Alam mo ba ang ilan sa mga breastfeeding myths na pinaniniwalaan pa rin hanggang ngayon ng mga tao? Importante ba na magkaroon ka ng tamang kaalaman tungkol sa pagpapa-breastfeed sa iyong anak? Pag-usapan natin ito para sa kapakanan mo at ng iyong anak.
Hindi maiiwasan sa ating mga nanay, lalo na sa mga first time moms, na makarinig ng mga salita o payo ng ibang tao – sa mga kaibigan, kapitbahay o kamag-anak – tungkol sa pagpapasuso o pagpapa-breastfeed sa ating mga anak. Maiintindihan natin sila dahil sa nagmamalasakit lang sila at gustong makatulong. Pero tama ba ang lahat ng nakukuha nating payo mula sa ibang mga tao? Hindi kaya nakuha lang rin nila ito mula sa sabi-sabi (hearsay) at wala naman talagang batayang impormasyon? Halika alamin natin ang ilan sa mga breastfeeding myths na hanggang ngayon ay naririnig pa rin natin sa iba at nagiging dahilan para ang mga mommies ay mag-aalala o maguluhan.
SAMPUNG MALING AKALA TUNGKOL SA BREASTFEEDING (BREASTFEEDING MYTHS)
BREASTFEEDING MYTH #1 Bawal magpabreastfeed ang mommy kapag siya ay maysakit.
Sa unang pandinig parang tama naman ang sinabi sayo. May sakit ka kaya hindi ka pwedeng magpabreastfeed. Baka mahawahan mo rin si baby.
BREASTFEEDING TRUTH: Hindi ito kapit sa lahat ng sitwasyon. Kung ang mommy ay may iniinom na gamot at nakakakain ng maayos, pwede niyang i-breastfeed ang kaniyang anak. At tandaan na ang mga antibodies ng iyong katawan na lumalaban sa iyong sakit ay makakatulong rin sa iyong anak kapag siya ay pinapabreastfeed mo. Makakatulong ang antibodies na makukuha ng baby mo sa breastmilk mo para tumatag ang kaniyang immune system.
BREASTFEEDING MYTH #2 Bawal magpabreastfeed kapag pagod si mommy.
Kailan ba hindi pagod si mommy? Hindi ba’t lagi naman tayong pagod? Sa pag-aasikaso sa bahay at sa mga bata, round o’clock ang trabaho ng isang ina. Kapag pina-breastfeed ba si baby na pagod ka, makukuha niya ang pagod mo?
BREASTFEEDING TRUTH: Ang totoo ay hindi. Gatas na masustansiya pa rin ang makukuha niya sayo, pagod ka man o hindi. Pero kung pagod ka man mas maganda ng uminom ka muna ng tubig bago magpadede para tanggal rin ang uhaw mo at para dumami rin ang breastmilk mo.
BREASTFEEDING MYTH #3 Bawal magpabreastfeed kapag gutom si mommy.
Minsan hindi maiiwasan na nauuna ang gutom ni baby sa pagkain ni mommy. Lalo na kung newborn baby na dumedede kahit anong oras o kaya naman ay toddler na super likot. Pwede bang i-breastfeed ang anak kapag gutom ka?
BREASTFEEDING TRUTH: Pwede! Gatas pa rin ang makukuha niya sayo at hindi ang gutom mo. Ang lagi kong payo ay uminom ng maraming tubig sa tuwing magpapabreastfeed. Anumang oras yan, gutom ka man o hindi, uminom ka ng tubig, para mas marami ang makuhang gatas ng baby mo.
BREASTFEEDING MYTH #4 Ang right breast ay purong gatas, samantalang ang left breast naman ay tubig.
Karaniwan ng iniisip ng mga ina na ang kanang suso niya ay purong gatas, at ang kaliwa naman ay tubig lang. Ito ay dahil sa naikwento sa kaniya ng kaniyang lola o biyenan, na pangkaraniwan ng pinaniniwalaan noong unang panahon.
BREASTFEEDING TRUTH: Hindi ito totoo. Ang parehong suso ng ina ay makapaglalaan ng gatas at nutrition para sa sanggol. Pero bakit minsan ay mas marami ang nakukuhang gatas sa isang suso at sa isa ay konti lang? Maaaring mas lagi mong pinadede sa isang suso mo ang baby mo, at yung isang suso ay hindi mo palagi naipapa-latch sa baby mo. Kaya mas maganda kung pagsasalit-salitin mo ang pagpapadede sa iyong anak, para parehong dumami ang supply ng breastsmilk sa magkabilang suso mo.
BREASTFEEDING MYTH #5 Hindi na pwedeng bumalik ang breastmilk ng ina kapag naihinto na niya ang pagpapadede
Naniniwala ang mga nanay na kapag naihinto na nila ang pagpapabreastfeed sa baby nila ay hindi na pwedeng bumalik ang gatas nila. Mali ang paniniwalang ito.
BREASTFEEDING TRUTH: Pwedeng mag-relactate ang isang ina kung gusto niya uling magpabreastfeed sa anak niya. Maraming nanay ang nakagawa na nito – mga tumigil sa pagpapabreastfeed at gusto uling magpabreastfeed sa anak niya. Kung ang iyong anak ay 1 year old pababa ay kaya pang maibalik ang iyong gatas kung ipapa-stimulate mo ito uli sa kaniya sa pamamagitang ng relactation (o pagpapasuso uli sa anak).
BREASTFEEDING MYTH #6 Wala ng nutrients na makukuha sa gatas ng ina habang tumatagal ang panahon
Totoo na ang gatas ng ina sa unang araw ng buhay ng sanggol hanggang sa anim na buwan ang pinakamasustansiya sa lahat – dahil ito ang colostrum ng ina na makatutulong para maging matibay ang katawan ng sanggol, kung ito ay ipapabreastfeed sa kaniya.
BREASTFEEDING TRUTH: Ang gatas ng ina pagkatapos ng anim na buwan patuloy ay masustansiya pa rin at maganda ang maidudulot para sa bata. Hindi nawawala ang halaga nito kahit lumipas pa ang ilang taon. Ako nga ay nagpapabreastfeed pa rin ngayon sa 3 years old kong anak!
BREASTFEEDING MYTH #7 Bawal magpabreastfeed kapag ang mommy ay nagparebond, nagpa-hair coloring or hair treatments sa salon
Nag-aaalala ang mga mommy na baka madede ng mga baby nila ang ginamit na chemicals sa buhok kung sila ay magpaparebond, magpapakulay ng buhok o magpapa-hair treatments. Pero may chemicals nga ba na mapupunta sa breastmilk ni mommy na makakasama kay baby?
BREASTFEEDING TRUTH: Ayon sa La Leche League International, isang organisasyon para sa tamang impormasyon tungkol sa pagpapabreastfeed, “na walang matibay na ebidensiya na makukuha kung ang paggamit ng isang ina ng mga hair care product ay may masamang epekto sa kaniyang breastfeeding baby.” Ayon rin sa NHS – ang pinakamalaking health website sa UK, “While information about hair treatments while breastfeeding is limited, it’s thought to be fine to dye your hair while you are breastfeeding. Very little of the chemicals used in hair dye enter your bloodstream, so it’s very unlikely that a significant amount will be passed on through your breast milk.”
Kaya huwag kang mag-aalala mommy, pwede ka pa ring magpaganda at i-pamper ang sarili sa salon dahil napakaliit lang ng porsiyento ng mga hair chemicals na iyon ang makakapasok sa bloodstream mo.
BREASTFEEDING MYTH #8 Konti lang ang makukuhang gatas kung maliit ang suso ng ina
Marami ang nag-iisip na kapag maliit ang suso ng ina ay kaunti lang ang maibibigay nitong gatas. Totoo ba ito? Mali.
BREASTFEEDING TRUTH: Hindi sa sukat ng suso ng ina nakadepende ang dami ng supply ng breastmilk. Maliit man ito o malaki pareho itong makapagbibigay ng sapat na gatas para sa sanggol, dahil ibinibigay ng katawan mo ang tamang dami ng supply para sa anak mo. At ang dami ng iyong breastmilk ay depende rin sa palagi kang nagpapabreastfeed sa baby mo. Kung palagi siyang dumedede sayo mas dadami ang gatas mo, dahil ang bawat latch niya ay demand para sa katawan mo ng gumawa ng mas maraming gatas na magiging supply para sa anak mo. Kaya magpabreastfeed ka ng magpabreastfeed mommy!
BREASTFEEDING MYTH #9 Hindi pwedeng uminom ng kape o inuming may alkohol ang nagpapabreastfeed
Tama naman sa unang dinig dahil ang kape ay may caffeine at ang mga beer or red wine ay may alcohol na maaaring mahalo sa breastmilk mo. Pero talaga bang hindi ka na pwedeng uminom ng mga ganitong inumin mommy?
BREASTFEEDING TRUTH: Maaari pa ring uminom ng kape ang isang breastfeeding mom, basta hindi lalampas sa isang tasa kada araw. At kung gusto naman ni mommy na mag-unwind at uminom ng konting alak, pwede rin niyang gawin ito 2 hours before niya i-breastfeed si baby. Maaari rin niyang i-pump ang gatas niya sa mga oras na iyon para masigurado niyang hindi madedede ng anak niya ang gatas na maaaring may halong alkohol.
BREASTFEEDING MYTH #10 May mga pagkain na dapat iwasan ng mga breastfeeding mothers
Totoo ba na may mga dapat iwasang pagkain ang mga nanay na nagpapa-breastfeed dahil may masamang epekto ito sa baby? Hindi ito totoo.
BREASTFEEDING TRUTH: Pwedeng kainin ng isang ina ang kahit anong pagkain na magustuhan niya. Dahil anuman ang kainin ng isang nanay ay makakatulong para palakasin ang katawan niya at gumanda ang resistensiya niya. Isa pa hindi totoo na kapag kumain ang isang nanay ng malansang pagkain, or kaya mga gassy foods, ay magiging malansa rin ang breastmilk niya o magiging gassy rin ang baby niya.
Totoo na nakakaapekto ang lasa ng kinakain ng isang nanay sa lasa ng kaniyang breastmilk – pwedeng ang mapasa sa gatas ng ina ang lasa ng isang pagkain at ito ay malalasahan rin ni baby – at ito nga ay nakakatulong pa para maging pamilyar ang bata mga lasa ng pagkain kapag siya ay kumain na ng solid foods.
Maraming mga maling paniniwala ang mga tao tungkol sa pagpapa-breastfeed, pero hindi ito dapat makapigil sayo na gawin ang isa sa pinakamagandang bagay na magagawa mo sa baby mo – ang maibigay sa kaniya ang iyong “liquid gold” – ang iyong breastmilk. Bago makinig sa sinasabi ng iba, tiyakin muna na tama ang impormasyon. Magsaliksik, magresearch at magtanong sa mga eksperto, gaya ng mga doctor, nurse o mga health care providers. Pwede ka ring magtanong sa ibang mga nanay na matagal nang nagpapabreastfeed, kagaya ko (I have 5 year breastfeeding experience). Itype lang ang iyong katanungan sa comment section sa ibaba at sasagutin ko iyan. =)
May iba ka pa bang alam na breastfeeding myths na gusto mong i-share sa amin? Comment mo lang sa baba mommy!
Salamat po Mommy Laira kahit hindi na ako BF moms talagang binasa ko .Lahat po ng nasa list mo na Breastfeeding myths yan yong mga naririnig ko noon nong ngpapadede pa ako sa mga bagets ko.Yong no.7 hindi ko talaga ginawa yan kasi sabi ng mother in law ko makakasama daw sa baby ko syempre sa takot ko na may mangyari kay baby di nalang ako ngpacolor.Yon naman pala hindi totoo yon.Dami kung natutunan sa pagbabasa neto mommy Laira.Salamat po
Hello Mommy Dhel thank you for reading my article ha. Salamat talaga =)
Salamat mommy Lai malaking tuling to talaga sa akin especially nagpapabreastfeed po ako. Ang daming pinagbabawal sa akin lalo na kung pupunta kami sa mama ng partner ko. Sinangag po ayaw e pakain sa akin dahil daw baka kumonti ang gatas ko.
Walang anuman mommy, always here to help😊
totoo po na na kapag galing sa paglalaba c mommy hindi pwde magpadede c mommy dahil madede ni baby ang lamig?
totoo po ba na kapag kumakain c mommy ng mga malamig like ice cream ay sisiponin c b
aby
Hello Mommy Generose, hindi totoo na lalamigin ang tiyan ni baby kapag galing sa paglalaba si mommy at nagpadede. Hindi rin totoo na magkakasipon si baby kapag kumain ng ice cream si mommy at nagpadede. Ang mga iyon ay mga haka-hala lamang o walang basehang paniniwala. Walang masamang epekto kay baby ang dalawang sitwasyong nabanggit 😊 salamat mommy sa pagbasa sa article ko